Tuesday, 1 January 2019

Children's Month Celebration 2018

          "Kabataan, ang pag-asa ng bayan" wika ni Gat. Jose Rizal. Kaya bata pa lamang ay inaanyayahan nang pumasok sa paaralan upang tuklasan, linangin, at ibahagi ang kanilang mga natatanging talento at kakayahan sa mga iba't ibang bagay. Dito sa ating bansa, nagkakaroon ng selebrasyon ng Buwan ng mga bata upamg ipaalala sa lahat ng tao na kahit bata pa lamang sila ay may mahalaga na silang kaganapan dito sa ating lipunan, gayon at sa hinaharap.

         Dito sa ating probinsya, Ilocos Sur, ang selebrasyon na it ay matagumpay na naisasagawa sa buwan ng Oktubre. Maraming naganap na parada at programa. Ang mga napiling student leaders ng High School ay naatasan upang maging counterpart ng Gobernador, Bise Gobernador, at iba pang Sangguniang Panlalawigan at maging tagapangulo ng iba't ibang ahensya sa kapitolyo ng lalawigan sa loob ng isang araw. May mga napili rin na High School at Elementary na Student Leaders upang m,aging counterpart rin ng mga opisyales ng lungsod ng Vigan. Nagkaroon rin ng Leadership Camping para sa mga Sangguniang Kabataan at Student Leaders ng syudad. Nagkaroon rin ng iba't ibang patimpalak para sa mga bata mula sa iba't ibang bayan sa lalawigan tuad ng pag-awit, pagdrawing, at paggawa at pagbigas ng tula. May mga naganap rin na seminar at symposium tungkol sa mga karapatan ng mga bata at iba pa. Nagkaron rin ng misa at gift-giving activities para sa mga bata. Masaya at naging atagumpay ngaang selebrasyon.

          Kung lahat ng bata ay matututo at mlilinang, lahat ng bata ay magiging matagumpay sa kinabukasan. Kung lahat ng bata dito sa ating bansa ay mabigyan ng opurtunidad gaya ng mga bata sa Vigan, magkakaroon tayo ng isang bansang puno ng magagaling at matatainong mamamayan. At kung gayon, hindi na natin poproblemahin pa kung paano umasenso, umunlad, at umangat ang ekonomiya ng ating bansa. At kung mangyayari nga,  maisasakatuparan at mabibigyang patunay na ang kabataan nga ang siyang pag-asa ng ating bayan.

2 comments:

  1. mahusay ang iyong pagkakasabi ipagpatuloy mo lng ang paggawa ng mga magagandang artikulo

    ReplyDelete
  2. you are right. children is and will always be the hope of the future we just need to acknowledge their worth.

    ReplyDelete

PREECLAMPSIA: A Serious Complication of Pregnancy

    Preeclampsia is a complication of pregnancy that causes excessive increase in high blood pressure, and high levels of protein in the uri...