Interaksyon. Pagunawa. Pagkakaisa. Ilan lamang iyan sa mga gamit ng wika. Sa paglipas ng panahon, iba't ibang mga patunay ang umusbong; na ang wikang Filipino, ay mas makapangyarihan pa sa inaakala mo.
"Kailangan mong mag-aral upang alam mo kung paano magsalita ng Ingles. Gamit nito, magiging matagumpay ka sa buhay." Ganiyan ang sinasabi ng mga matatanda upang maging maunlad daw ang kinabukasan ng mga kabataan. Totoo naman ito sapagkat ang Ingles ang isa sa mga pinakaginagamit na wika sa buong mundo kaya kapag pupunta ka at magtatrabaho sa ibang bansa, mas madadalian kang maki-angkop. Totoo talaga ito ngunit kung titignan natin, bakit pa natin kailangang magtrabaho sa ibang bansa kung puwede naman dito sa atin na lang. Hindi pa nga maunlad ang sarili nating bansa pero nakapagbibigay naman tayo ng ginhawa sa iba. Alam niyo ba na ang bansng Thailand ay maunlad ngunit hindi sila nakakapagsalita ng maayos sa wikang Ingles? Hindi lang Thailand, marami pang iba. Ang bansang China, na napakamayamang bansa, hindi rin sila magaling sa pagsasalita ng Ingles ngunit napakaunlad nila. Ginagamit lang nila ang kanilamg sariling wika at ngayon, nakakapagtrabaho na sila sa ibang bansa at sa katunayan, isang Chinese nga ang kilalang pinakamayaman dito sa Pilipinas.
Kung tutularan lamang natin ang mga bansang nabanggit ay maunlad narin sana tayo ngayon. Hindi na tayo nagpapakahirap para lamang maabot ang inaasahan sa atin ng iba. Hindi rin naman natin kailangang makiayon sa kung ano ang hinahangad ng iba para sa atin dahil kaya natin tumayo sa sarili nating mga paa at patunayan na kaya natin at gagawin natin ang alam nating makakabuti satin.
Hindi ko naman minamaliit ang wikang Ingles. Ang sa akin lang, panahon na para gamitin natin ang sariling atin. Oras na para ipagmalaki ito sapagkat ito ang sumasalamin sa atin. Ang ating sariling wika ay mula sa Kaniya at hindi dapat natin ito ikahiya. Ang lunan ng ating karunungan, ay siyang magsisilbing tulay upang maabot ang inaasam na magandang kinabukasan.
Ito rin ang punto ng Kagawaran ng Edukasyon sa temang pinangangasiwaan nilang Buwan ng Wika na " Filipino; Wika ng Saliksik". Ito ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kunlaran. Layunin nito ang palaganapin ito sa iba't ibang larang ng karunungan.
Ang wikang Filipino ay ating tangkilikin, mahalin, ipagmalaki, at gamutin sapagkat ito ay sariling atin. Sabi nga natin kanina, na ito ay ginagamit para sa komunikasyon, pagunawa at iba pa ngunit oo, totoo nga na ang wikang Filipino ay mas makapangyarihan pa sa inaakala mo.
https://www.thesummitexpress.com/2018/07/buwan-ng-wika-2018-theme-official-memo-poster-sample-slogan.html?m=1
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
PREECLAMPSIA: A Serious Complication of Pregnancy
Preeclampsia is a complication of pregnancy that causes excessive increase in high blood pressure, and high levels of protein in the uri...
-
From a time so long that it can no longer be remembered, we, Filipinos are tested by innumerable natural calamities such as volca...
-
SONA: A Speech to Progress "Leadersip is not about position or designation. It is about having impact to the people that...
-
Technology had come a long way and it contributed a lot in the history of human beings. Communication, interaction, and such, thro...
Tama ka! I agree. XD
ReplyDeleteTama dapat nating ipagmalaki ang ating wika para sa ating bansa.
ReplyDeleteOo, tama. Napakahusay!
ReplyDeleteTama ka. Mas naintindihan ko ang tema ng buwan ng wika dahil dito. Salamat! (*^▽^*)
ReplyDeleteNapakahusay! Great job sis
ReplyDeleteMahusay! Ipagpatuloy mo ito :)
ReplyDelete