Ang pinakamabuluhang pagbabago na nangyari sa loob ng nakaraang sampung taon ay ang pagkahumaling ng mga tao sa mga makabagong teknolohiya o gadgets. Sa paglipas ng panahon ay naging modernisado na ang mga bagay-bagay. Sumabay rin dito ang paghigh-tech ng mga cellphone at computers. sa patuloy na opaggamit ng mga ito, ano-ano ang maaaring maidulot o maitulong nito sa atin?
Maraming mga tao, lalo na sa mga kabataan ang magdamag na nakatutok sa kanilang cellphone, naglalaro ng ROS, Dota, ML, at LOL, nanunuod ng KDrama, JaMill at maraming pang iba, pero ang hindi nila alam ay marami silang maaaring makuhang sakit dahil sa UV Rays na nagmumula s ilaw nito. Kaya nararapat lamang na malaman natin na ang lahat ng mga bagay ay may limitasyon. Minsan, kapag naoover use rin ang mga ito o kaya ginagamit habang nagchacharge ay maaaring sumabog na magdudulot ng sunog o di kaya ay disgrasya.
Sa mga gadgets natin, hindi lamang games ang meron. May mga Social Media Application sites rin. Dito, pwedeng magpost ng mga pictures, mga videos, mga saloobin, at mga kasalukuyang ganap sa iyong buhay. Ito rin ay nagiging instrumento ng komunikasyon ng mga taong may ugnayan sa ibang tao sa ibang lugar. Dahil dito, nailalabas lahat ng tungkol sayo kaya mawawala na ang iyong privacy ng buhay mo. Dito, na nagsisimula ang mga away at gulo. Nagkakaroon na ng cyber bullying, public shaming, cyber scandals, at marami pang iba.
Hindi lamang sa sariling kalusugan nakakaapekto ang pagkahumaling sa mga makabagong teknolohiyang ito kundi pati na rin ang kalusugan ng iyong pamilya. Minsan sobrang busy nang nagcecellphone, mahirap nang tawagin para kumain o para utusan para sa mga gawaing bahay. Minsan nangyayari rin ito sa barkadahan. Masyado nang nahumaling kaya wala nang time para sa iba. Dito na nabubuo ang mga hidwaan hanggang umabot sa gulo at mas malala, sa patayan.
Kung tayo lamang ay magpapakita ng galang at disiplina saan man mapunta, lahat ay magiging maayos. Kung lahat tayo ay alam ang limitasyon ng ating mga aksiyon, walang magiging problema. Kung lahat tayo ay pare-pareho ang layunin, iisa lamang ang ating patutunguhan, isang malusog na pamilya para sa isang mapayapa at maunlad na bayan.
References:
https://gaameover.com/wp-content/uploads/2018/03/dims.jpg
http://www.naissanceaffective.com/CM/wp-content/uploads/2017/08/3D-Happy-Family-Cartoon-Family-Photo.jpg
No comments:
Post a Comment